Pagsasalarawan ng martial law sa mga libro, dapat ayusin-Sen. Aquino
Hinimok ng Department of Education ang Senate Committee on education na tiyakin na tama ang mga nilalaman ng mga librong ipinamamahagi sa mga estudyante na nagpapatungkol sa mga kaganapan noong panahon ng martial law.
Ayon sa DepEd, ito’y upang matiyak na kumpleto ang impormasyong nakakarating sa mga mag-aaral ukol sa mga naganap sa panahon ng martial law particular ang mga insidente ng kaharasan noon.
Sinabi ni Sen. Bam Aquino, kapansin-pansin na marami sa mga human rights abuse na noong ipinatutupad ang batas military ang hindi bahagi ng mga textbook na ibinibigay sa mga elementary at highschool students.
Bukod sa hindi aniya nabibigyang pansin ang mga kaso ng human rights abuse sa mga libro, hindi rin binabanggit sa mga ito ang bilyun-bilyong piso na ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Sa panig naman naman ng DepEd, sinabi ng mga ito na kasalukuyan nang nirerebisa ang mga nilalaman ng basi education curriculum bilang bahagi ng K-12 program.
Ngayong araw, ginugunita ang ika-44 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.