Pagbuwag sa PCSO, pinag-iisipan na ni Duterte

By Kabie Aenlle September 21, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Matapos tawaging “most corrupt” na ahensya ng pamahalaan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang pag-aralan kung dapat na nga bang buwagin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga lokal na opisyal sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga small-town lottery operation ay matagal nang ginagamit para sa iligal na jueteng.

Paliwanag ng pangulo, hindi lahat ng kita ay naibibigay sa pamahalaan, bagkus ay ibinubulsa lamang ito kaya milyun-milyon ang ikinalulugi ng gobyerno.

Dahil dito, pinasilip na ni Duterte sa mga opisyal kung kaya pa bang maalis ang katiwalian sa PCSO at kung hindi siya makukumbinseng kaya itong gawin, irerekomenda niya ang pagbuwag dito.

Matatandaang kamakailan lang ay itinalaga niya si retired Maj. General Alexander Balutan bilang bagong general manager ng PCSO dahil gusto niyang ang mailalagay sa posisyon ay isang taong makakapatay ng katiwalian sa loob ng ahensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.