De Lima: “Huwag ninyong sambahin si Poong Duterte”

duterte-de-lima
Inquirer file photo

“Kapag hindi ka sumamba ay Poong Duterte ikaw ay adik”.

Ganyan inilarawan ni Sen. Leila de Lima ang mag trolls na umano’y bumabatikos sa kanya sa social media.

“Malinaw naman na umuupa ng mga bayarang trolls para banatan ako ng mga nagpapakilalang tagasuporta ng Poong Duterte”, dagdag pa ni de Lima.

Halos maiyak si de Lima nang kanyang sabihin na hindi inirerespeto ng kasalukuyang pamahalaan ang buhay ng kanilang napatay sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police.

Binanggit din ng mambabatas na malinaw na iba ang Oplan Tokhang sa mga gated-subdivision kumpara sa mga ginagawa ng pulis sa mga mahihirap na komunidad.

Muli rin niyang binatikos si Sen. Alan Peter Cayetano hingil sa umano’y pag-iimbento ng mga kwento para lamang maipagtanggol ang kasalukuyang administrasyon.

Umaasa naman ni de Lima na mas magiging maayos ang Senate Justice Committee sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Dick Gordon.

Read more...