Colangco: P3 Million kada buwan para kay de Lima

By Den Macaranas September 20, 2016 - 03:04 PM

Ampang Colangco1
Isa Umali

Kinumpirma ni Herbert “Ampang” Colangco na mula noong September 2013 hanggang noong panahon ng kampanya noong nakalipas na eleksyon ay nagbigay siya ng P3 Million bilang “PR fund” kay dating Justice Secretary at ngayoy Sen. Leila de Lima.

Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng House Committee on Justice and Human Rights, sinabi ni Colangco na minsan din niyang naka-usap si de Lima sa pamamagitan ng cellphone.

Idinaan niya ang buwanang pera sa pamamagitan ng mga tauhan ni de Lima na sina Jonel Sanchez at ng dating driver at bodyguard nito na si Ronnie Dayan.

Bilang kapalit ay malayang nakakapag-pasok ng mga kontrabando sa New Bilibid Prisons si Colangco tulad ng mga alak at iba pang kalakal.

Minsan din daw siyang pinilit ni Sanchez na makipagkaisa kay Jaybee Sebastian para sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.

Sa pagdinig ng Kongreso, inihayag rin ni Colangco na dahil sa kanyang buwanang payola kay de Lima ay Malaya siyang nakakapag-pasok ng mga cellphone at iba pang kagamitan sa Bilibid tulad ng mga telebisyon at iba pang luxury items.

Inihayag rin ng convicted crime leader ang numero ng cellphone ni de Lima na kinumpirma naman ni Cebu Rep. Gwen Garcia nang i-check niya sa kanyang telepono.

TAGS: colangco, de lima, NBP, ronnie dayan, colangco, de lima, NBP, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.