50 ang patay sa anti-government protests sa Congo

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2016 - 09:18 AM

DR CongoHindi bababa sa 50 ang nasawi matapos magkasagupa ang mga nagpoprotesta laban sa pamahalaan at ang security forces ng Congo.

Naganap aang kaguluhan sa capital na Kinshasa, matapos na magprotesta sa lansangan ang opposition groups.

Mismong ang pamahalaan ng Congo ang nagkumpirma na nasa 50 na ang nasawi na pawang tinamaan ng bala ng baril na pinaputok ng mga pulis at republican guard.

Itinuturing na worst violence sa Kinshasa ang nasabing insidente simula noong Enero 2015.

Ayon kay Interior Minister Evariste Boshab, kasama din sa mga biktima ang tatlong police officers.

Partikular na ipinapanawagan ng mga nagpoprotesta ang pagbaba sa pwesto ni Congo President Joseph Kabila.

Hanggang sa ngayon kasi ay wala pang itinatakdang petsa ng eleksyon si Kabila, dahilan para sumiklab ang mga pangamba na siya ay hindi bababa sa pwesto.

Sa December 20 ay nakatakdang mapaso ang termino ni Kabila.

Sa ilalim ng konstitusyon ng Congo, hindi na pwedeng muling tumakbo sa pwesto ang nasabing lider.

 

 

 

TAGS: DR Congo protests, DR Congo protests

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.