Western section ng Luzon apektado pa rin ng Habagat
Sa lagay ng panahon, apektado pa rin ng Habagat ang western section ng Luzon na makapaghahatid ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, partikular na makararanas ng pag-ulan at thunderstorms ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at Western Visayas, gayundin ang mga lalawigan ng Palawan.
Ang nalalabi namang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms.
Samantala, alas 6:06 ng umaga, nagpalabas na ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa bayan ng Real sa Quezon.
Makararanas din ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Laguna, Rizal at nalalabing bahagi ng Quezon sa susunod na dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.