Mga truck, bawal na dumaan sa Skyway simula Nov. 15

 

Photo from TRB
Photo from TRB

Simula November 15, ipagbabawal na ang pagdaan ng mga truck sa Skyway bilang tugon sa matinding trapiko at para na rin mas mapabuti ang road safety sa elevated toll road at sa malapit nang magbukas na NAIA Expressway.

Gayunman, exempted naman sa ban ang mga truck na may dalang mga mahahalagang commodities, basta’t pasado sila sa safety requirements.

Ayon sa Skyway O&M (SOMCO) na operator ng Skyway, nagkasundo ang mga opisyal ng barangay, lokal na pulisya, highway patrol units, mall owners at iba pang stakeholders na hindi ligtas para sa mga trucks na gamitin ang elevated road dahil delikado rin ito para sa ibang motorista.

Ito ang kanilang posisyon lalo na’t kamakailan ay dalawang matinding aksidente ang nangyari sa Skyway elevated section, sangkot ang delivery trucks na nagsanhi ng matinding trapiko sa lugar.

Samantala, sinabi rin ng SOMCO na required na ang mga public utility vehicles (PUVs) at trucks na gumamit ng radio frequency identification o RFID stickers para hindi na nila kailangang pumila nang matagal sa toll entry at exit points.

Nabatid kasi nilang ang mahabang pila ng mga ito ang isa sa dahilan ng pagsikip ng trapiko sa Skyway.

Read more...