P250K cash assistance, ibibigay sa pamilya ng nasawi sa Davao blast

By Jay Dones September 20, 2016 - 04:27 AM

 

Palace photo

Bibigyan ng tig-P250,000 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bawat pamilya ng 15 nasawi sa madugong Davao night market blast noong September 2.

Ito ang inanunsyo ng pangulo matapos nitong bisitahin ang mga naapektuhan ng naturang pagsabog sa Davao City.

Bukod sa mga nasawi, makakatanggap din ng kahalintulad na halaga ang 11 biktima na malubhang nasugatan sa insidente.

Tatanggap naman ng tig-P100,000 ang 21 biktima na patuloy na ginagamot sa ospital bilang cash assistance.

Matatandaang nasa 15 katao ang namatay at 70 ang nasaktan nang magpasabog ng IED ang hindi pa kinikilalang suspek sa Davao night market noong September 2.

Karamihan sa mga biktima ay mga masahista at kanilang mga parukyano.

Ang ilan naman ay namamasyal lamang sa lugar nang maganap ang pagsabog.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.