Mga opisyal ng RCBC, kakasuhan ng AMLC

By Kabie Aenlle September 20, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Sasampahan ng kaso ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) kaugnay ng nanakaw na pera mula sa central bank ng Bangladesh noong Pebrero.

Papatawan rin ng mga multa ang RCBC dahil sa palpak na seguridad nito kaya nakalusot ang $81 million money laundering scandal.

Sa pagdinig ng Senado ang mga panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act at sa bank secrecy laws, ni AMLC deputy director Vencent Salido na ihahain na ang mga kaso laban sa mga opisyal ng RCBC sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Salido, may mga isinampa na silang kaso laban sa mga branch managers, kay casino junket operator Kim Wong, at pati na rin sa Philrem Corp.

Gayunman, may napansin silang kulang, kaya naman may isinasagawa pa silang imbestigasyon sa mga opisyal ng RCBC.

Dagdag pa ni Salido, siguradong magsasampa sila ng kaso dahil kulang ang mga facts at hindi ito makukumpleto nang wala ang mga opisyal na ito.

Iginiit rin niyang sa nasabing bangko dumaan ang nakaw na pera kaya dapat lang na managot ang mga opisyal nito.

Inilahad naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Nestor Espenilla Jr. na may mga ipapatupad pa silang hakbang na magreresolba sa problema, bukod sa P1 bilyong multa na ipinataw nila sa RCBC noong nakaraang buwan.

Matatandaang noong nakaraang buwan, ipinataw ng BSP ang single-biggest monetary penalty sa isang financial institution dahil sa Bangladesh Bank cyberheist.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.