Banta ng isa pang pagpapasabog ibinabala ni Pang. Duterte

 

Inquirer file photo

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na magkakaroon ng isa pang pagpapasabog sa bansa.

Sa kaniyang pagharap sa mga nakaligtas at pamilya ng mga biktima sa pagpapasabog sa night market sa Davao City, sinabi ni Duterte na mauulit ito.

Kung hindi man aniya sa Davao, magaganap aniya ito sa isang lugar sa Mindanao o iba pang bahagi ng bansa.

Inaasahan na ito ng pangulo lalo’t mas pinaigting na ng mga militar ang kanilang mga operasyon laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon pa kay Duterte, mga nakababatang rebeldeng Moro ang nasa likod ng pagpapasabog sa Davao noong September 2, kung saan 15 ang nasawi habang mahigit 60 ang nasugatan.

Hindi naman na aniya kailangan pang sabihin kung Maute group ba o Abu Sayyaf ang grupong nasa likod nito.

Aniya, ang suspek ay hindi nabibilang sa anumang organisasyon, pero umanib at taga-sunod ng ISIS.

Read more...