Kilos-protesta kontra EJK, Marcos burial at iba pang isyu, kasado na sa Miyerkules

By Alvin Barcelona September 20, 2016 - 04:27 AM

 

Martial lawNagtakda ng malaking kilos protesta ang mga militanteng grupo kontra sa paglabag sa human rights at dumadaming kaso ng extra judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Ang kilos protesta na idaraos sa darating na Miyerkules, Sept. 21, 2016 kasabay ng ika-44 na anibersaryo ng martial law.

Dadaluhan ito ng grupong anakbayan at iba pang youth groups na inaasahang magsasagawa ng campus walk out at martsa laban sa patuloy na pagtaas ng matrikula, pagbabalik ng mandatory ROTC at paglilibing sa Libingan ng mga Bayani ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Nanindigan si anakbayan Chair Vencer Crisostomo na hindi bayani si Marcos dahil isa itong human rights violator, magnanakaw sa kaban ng bayan na dahilan kung bakit isa nang negosyo ang edukasyon sa bansa.

Nananawagan din ang grupo para sa libreng public education sa lahat ng lebel at pagpapatigil ng tuition fee hike pati na ang pagpapahinto ng K to 12 program.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.