Sen. De Lima, inakusahan si Pangulong Duterte na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya

Leila de Lima1Inakusahan ni Senator Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng kanyang pagkakatalsik bilang Chairman ng Senate committee on Justice na nag-iimbestiga sa mga umanoy kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay De Lima, wala siyang duda na si Duterte ang may pakana kung bakit majority ng mga senador ang bumoto para mapatalsik siya bilang Chairman ng naturang komite.

Bunsod ito ng mosyon ni Senator Manny Pacquiao na bakantehin ang nasabing komite kung saan 16 na mga senador ang bumoto pabor na mabakante ang Chairmanship at membership nito habang apat lang ang bumoto laban ditto at dalawang senador ang nag-abstained.

Hinala ni De Lima na mas lalong nagalit si Duterte nang kanyang ipresenta noong nakaraang linggo ang witness na si Edgar Matobato na nag-akusa sa pangulo na nag-utos ng pagpapapatay sa mga kriminal sa Davao City noong ito pa ay Mayor ng lungsod.

Inamin din ni De Lima na sobra siyang nasaktan sa naging pagpapatalsik sa kanya bilang chairman ngunit mananatili pa rin siya miymbro ng nasabing komite.

Read more...