MNLF, malaki ang naging tulong sa pagpapalaya sa mga kidnap victims ng ASG

By Rod Lagusad September 19, 2016 - 08:34 PM

mnlfKinikilala ng gobyerno ng Indonesia at ng military ang naging malaking papel ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagkakalaya ng Norwegian national at tatlong mangingisdang Indonesian noong Sabado.

Sinabi ni Indonesian Defense Minister Ryanmizard Ryancudu na sila ay nagpapasalamat sa naging tulong ng MNLF sa ligtas na pagkakalaya ng kanilang mga kababayan mula sa Abu Sayyaf kung saan sang-ayon din dito si Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Mayoralgo dela Cruz.

Ayon kay Dela Cruz, alam ng MNLF ang lugar, kilala nila ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf at meron silang sariling paraan sa pakikipag-ugnayan sa naturang bandidong grupo.

Binigyang diin ni Dela Cruz ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa Abu Sayyaf na nagresulta sa pinagsamahang pwersa ng military, pulisya, lokal na gobyerno at maging ng MNLF para ligtas na mapalaya ang mga dinukot ng bandidong grupo.

Sinabi naman ni Samsula Adju, tagapagsalita ng MNLF sa Sulu na si MNLF Vice Chair for Political Affairs Tahil Sali, ang naguna sa pagpapalaya ng mga kidnap victims.

Pinayagan ni MNLF chair Nur Misuari si Sali na makipagnegosasyon kay Abu Sayyaf leader Raddulan Sahiron para sa ligtas na pagpapalaya sa Nowegian national na si Kjartan Sekkingstad noong Sabado.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Sekkingstad si Misuari kasama ang kanyang mga tauhan na tumulong sa ligtas na pagpapalaya sa kanya.

Ayon sa MNLF walang ransom na binayad kapalit ng kalayaan ni Sekkingstad.

TAGS: abu sayyaf group, indonesia, Kidnap victims, mnlf, Western Mindanao Command, abu sayyaf group, indonesia, Kidnap victims, mnlf, Western Mindanao Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.