De Lima, pinatalsik bilang pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights

By Len Montaño September 19, 2016 - 07:09 PM

de lima1Napatalsik na si Senator Leila De Lima bilang pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nag-iimbestiga sa umanoy extra judicial killings sa gitna ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga.

Sa botong 16-4-2, pabor ang labing-anim na Senador, apat ang tutol at dalawa ang nag-abstain para bakantehin ang Chairmanship at Memberships ng naturang komite.

Kasunod ito ng mosyong ni Senator Manny Pacquiao na bakantehin ang komite na pinumumunuan ni De Lima.

Nag-mosyon si Pacquiao matapos ang privilege speech ni Senator Alan Peter Cayetano kung saan sinabi nito na sinisira umano ng Senadora ang imahe ng senado dahil sa intensyon nitong sirain si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos ang botohan ay nag-move si Senate Majority Leader Tito Sotto para inominate si Senator Richard Gordon bilang bagong chairman ng komite na tinanggap naman ng Senador.

Nangako si Gordon ng isang objective hand sa pamumuno sa committee.

Bago ito ay tinanggka pa ng mga kaalyado ni De lima na harangin ang napipintong pagpapatalsik sa Senadora.

Sinabi ni Senator Franklin Drilon na hindi pwede sa Senate rules ang mosyon ni Pacquiao habang si Senator Risa Hontiveros ay nagsabi na walang compelling reason para tanggalin si De Iima at kung may isyu anya laban dito ay dapat na sa senate ethics committee.

 

TAGS: Senate Committee on Justice and Human Rights, Senate Majority Leader Tito Sotto, Senator Leila De Lima, Senator Manny Pacquiao, Senator Richard Gordon, Senate Committee on Justice and Human Rights, Senate Majority Leader Tito Sotto, Senator Leila De Lima, Senator Manny Pacquiao, Senator Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.