Magtatapyas umpisa bukas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Shell Philippines.
Babawasan ng Shell ang presyo ng gasolina ng 30 sentimo kada litro.
Tatapyasan naman ng sampung sentimo kada litro ng naturang kumpanya ang kanilang diesel umpisa alas sais ng umaga bukas, September 20, 2016.
Nag-anunsyo na rin ng kaparehong rollback ang Phoenix pati ang Unioil simula alas sais ng umaga bukas at ang Flying V umpisa hating gabi bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo din ng rollback and iba pang oil companies ngayong araw.
MOST READ
LATEST STORIES