Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na dapat na idaan sa tamang proseso at tamang protocol ang kagustuhan ng UN na imbestigahan ang mga napapaulat na extrajudicial killings sa gitna ng anti-drug campaign ng pamahalaang Duterte.
Kabi-kabilang batikos ang natatanggap ng pamahalaan dahil umano sa extrajudicial killings mula nang magsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna na ring sinabi ni UN Asia Director Human Rights Watch Brad Adams na isang seryosong alegasyon ang mga naging pahayag ng nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.