Setyembre hiniling na ideklarang National Truth Telling month.. kilos-protesta sa Miyerkoles

By Alvin Barcelona, Jan Escosio September 19, 2016 - 03:10 PM

 

risa hontiverosNaghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros at kanyang hinihiling ang pagdedeklara sa buwan ng Setyembre bilang month of National truth telling.

Ayon kay Hontiveros, matindi ang pangangailangan na maipaalam ang buo at natatanging katotohanan ukol sa pagpapatupad ng batas militar ng administrasyong Marcos.

Ito aniya ay kasabay na rin ng mga pagtatangka ngayon na maipakita ang magagandang naging bunga ng martial law gayundin ang pagpapalusot sa mga pagkakasala ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Hontiveros na ang kanyang resolusyon ay may kahalintulad sa kamara na inihain naman ni Akbayan Partylist Representative Tom Villarin.

Aniya sa kanyang resolusyon ay hinihimok ang mga paaralan na magsagawa ng mga aktibidades para maipaalam sa mga kabataan ang mga kaganapan noong Martial law years.

Ayon naman sa mga student leaders mula sa Ateneo de Manila University, Adamson University, University of the Philippines at De La Salle Universty kaisa sila sa mga adhikain ni Hontiveros ukol sa mga nangyari sa pagpapatupad ng martial law gayundin ang pagtutol na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Samantala, nagtakda na ang isang malaking kilos protesta kontra sa paglabag umano sa human rights at dumadaming kaso ng extra judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Ang kilos protesta na idaraos sa darating na Miyerkoles, Setyembre 21, 2016 kasabay ng ika-44 na anibersaryo ng Martial Law.

Dadaluhan ito ng grupong Anakbayan at iba pang youth groups na inaasahang magsasagawa ng campus walk out at martsa laban sa patuloy na pagtaas ng matrikula, pagbabalik ng mandatory rotc, at paglilibing sa libingan ng mga bayani ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, extrajudicial killings, human rights violations, kilos-protesta, National truth telling month, September, tuition fee hike, dating Pangulong Ferdinand Marcos, extrajudicial killings, human rights violations, kilos-protesta, National truth telling month, September, tuition fee hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.