Sen. Trillanes pinaiimbestigahan sa Senado ang mga diumano’y EJK sa Davao

By Jan Escosio September 19, 2016 - 01:12 PM

Inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV ang isang resolusyon na humihiling na maimbestigahan ng Senado ang umano’y extra judicial killings na isinagawa ng Davao Death Squad (DDS).

Sa kanyang Resolution #151 ang Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Leila de Lima ang hiniling ni Trillanes na magsagawa ng inquiry in aid of legislation.

Sinabi ni Trillanes na layon ng kaniyang resolusyon na matiyak na napoprotektahan ang mga karapatang pantao ng lahat kasabay na rin ng pinaigting na kampaniya ng gobyerno kontra terorismo, droga at iba pang krimen.

Binanggit ng senador sa kaniyang tatlong pahinang resolusyon ang artikulo ni Fr. Amando Picardal sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung saan nabanggit na simula 1998 hanggang noong nakaraang taon umaabot sa 1,424 ang sinasabing biktima ng DDS at sa bilang ay may 14 na kaso ng mistaken identity.

Gayundin aniya ang pag iimbestiga ng Commission on Human Rights na mula 2005 hanggang 2009, nasa 206 ang sinasabing nakilalang biktima ng naturang vigilante group na nakabase sa Davao City.

Magugunita na noong nakaraang Huwebes, humarap sa pagdinig sa senado ukol sa drug related extra judicial killings si Edgar Matobato, na umaming hitman ng DDS at aniya mahigit sa 1,000 na ang kanilang napatay.

 

 

 

TAGS: Davao Death Scquad, Davao Death Scquad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.