Sa kaniyang liham, na naka-adress kay Cayetano, sinabi ni Trillanes na ang kaniyang nagawa ay resulta ng matinding passion at emosyon noong kasagsagan ng pagdinig ng Committe on Justice on Human Rights hinggil sa Extra-judicial killings.
Inamin din ni Trillanes na gaano man katindi ang kaniyang emosyon ay hindi tama ang naganap.
“This is to express my apologies for my demeanor during last Thursday’s hearing od the Committe on Justice on Human Rights. It was brought about because of the intense passion and emotion of the moment. Nonetheless, ti was uncalled for,” nakasaad sa liham.
Tiniyak din ni Trillanes na hindi na mangyayari ulit ang insidente.
Ang kopya ng nasabing liham na may petsa ngayong araw, Sept. 19, 2016 ay ipinadala din sa tanggapan ni Senate President Koko Pimentel III at Sen. Leila De Lima na chairperson ng nabanggit na komite.