4 na BIFF members, sugatan sa engkwentro sa Maguindanao

By Hani Abbas September 19, 2016 - 10:14 AM

maguindanaoNaka-engkwentro ng militar ang humigit-kumulang 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang pwersa ng BIFF mula sa pakikipagbakbakan sa 601st Brigade Philippine Army.

Pinamunuan ni Kumader Bungos ang grupo ng BIFF.

Nagtamo naman ng tama bala ng baril ang apat na myembro ng rebeldeng grupo samantalang wala namang sugatan sa panig ng Philippine Army.

Narekober ng mga sundalo ang matataas na uri ng armas ng mga rebelde na kinabibilangan ng isang M-60 machine gun, apat na M-14 rifles, dalawang M16 rifles, isang M-203 grenade launcher, isang 12-gauge shotgun, isang improvised automatic grenade launcher, 18 rounds ng bala ng 60mm mortar, 18 rounds ng 40mm high explosives at umaabot sa 4,693 na assorted ammunition.

 

TAGS: 4 BIFF members injured in Maguindanao encounter, 4 BIFF members injured in Maguindanao encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.