Dalawang tren ng MRT magkasunod na pumalya; mga pasahero naabala

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2016 - 09:57 AM

DOTr Photo
DOTr Photo

Dalawang beses na nakararanas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit, Lunes ng umaga.

Sa abiso ng MRT, unang nakaranas ng aberya sa bahagi ng Santolan Anapolics Station southbound matapos na isang tren nito ang pumalya alas 8:02 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng nasabing tren at pinasakay sa sumunod na tren.

Samantala, dalawang minuto lang ang nakalipas o alas 8:04 ng umaga, nagkaroon din ng train failure sa bahagi naman ng Ortigas Station northbound dahilan para pababain ang mga pasahero ng tren.

Agad din silang pinasakay sa kasunod na tren.

 

 

TAGS: MRT, train failure, MRT, train failure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.