Dalawa pang Pinoy na bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya sa Sulu

By Erwin Aguilon September 19, 2016 - 08:34 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

(UPDATE) Dalawa pang Pinoy na bihag ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang pinalaya sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, sina Daniella Taruc, 26 anyos at Levi Gonzales, 33 anyos na kapwa technician ng Globe Telecom, ay pinalaya sa bahagi ng Barangay Tiptipon sa Panglima Estino.

Kinuha sila ng mga tauhan ng Sulu Police Public Safety Company at Patikul Municipal Police Station sa bahagi ng Scott Rd, Jolo, Sulu dakong alas 10:30 kagabi.

Agad dinala sa General Teodolfo Bautista Station Hospital ang dalawa para sumailalim sa check-up.

Lumabas sa medical examination na pitong buwan ng buntis si Taruc pero nilinaw ng mga medical staff ng Camp Bautista Hospital na buntis na ito bago dinukot.

Nasa maayos namang kalagayan ang dalawa dagdag pa ng medical staff na sumuri dito.

Isinailalim din sa debriefing ng mga tauhan ng JTF Sulu ang dalawa at sinabi na nakakakain naman sila sa bundok.

Matapos masuri at maisailalim sa stress defriefing itinurn over na sa mga tauhan ng Globe ang dalawa bago dalhin sa Zamboanga City.

Simula noong Sabado, umaabot na sa anim ang napapalayang bihag ng Abu Sayyaf, kabilang ang Norwegian National at tatlong Indonesians.

 

 

TAGS: 2 more kidnap victims freed by Abu Sayyaf, 2 more kidnap victims freed by Abu Sayyaf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.