Magnitude 7 earthquake sa Papua, Indonesia

papua indonesiaNiyanig ng malakas na magnitude 7 na lindol ang western Indonesian province na Papua na dating Irian Jaya.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol sa 247 kilometers west ng Jayapura na provincial capital ng Papua. May lalim ito na 52.8 kilometers .

Pinawi na ng Pacific Tsunami Warning Center ang posibilidad na magkaroon ng tsunami matapos ang nasabing pagyanig.

Wala pa namang napapaulat na pinsala dahil sa lindol.

Ayon sa Earthquake-Report monitoring website, ang Papua Indonesia ay bulubundukin at magubat kaya delikado ito sa landslides.

Samantala, ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay nagsabi rin na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang nasabing pagyanig./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...