Blast site sa Manhattan, binubusisi; anggulong international terrorism, sinisilip

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2016 - 06:38 AM

Reuters Photo
Reuters Photo

Pinag-iingat ang mga Pilipino sa New York matapos ang pagsabog na naganap sa sa Manhattan.

Nanawagan si Philippine Consul General Mario de Leon sa mga Pinoy sa New York na maging maingat at mapagmatyag sa paglabas-labas sa lansangan.

Ito ay matapos ang pagsabog sa Manhattan na ikinasugat ng 29 na katao.

Aabot sa 80,000 Pilipino ang nasa iba’t ibang lugar sa New York.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa naganap na pagsabog at nangangalap ng mga ebidensyang mag-uugnay na international terrorism ang nangyari.

Kabilang sa sinusuri ang blast remnants at mga nakuhang video ng pagsabog.

Umaapela din si Mayor Bill de Blasio sa mga testigo na makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Kasamang bubusisiin ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang mga fragments ng pagsabog at ang isang hindi sumabog na bomba na natagpuan apat na kanto ang layo sa lugar na pinagyarihan ng insidente. Isang pipe bomb din ang sumabog 80 milya ang layo sa New Jersey noong Sabado, at aalamin kung ang mga ito ay magkaka-ugnay.

Ayon kay New York Police Commissioner James O’Neill, may nakuha silang video ng mismong pagsabog sa Manhattan.

Magkakatuwang aniya ang New York police, FBI at US Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives sa ginagawang imbestigasyon.

Bagaman wala pang umaakong grupo, sinabi ni New York state Governor Andrew Cuomo na ang pag-detonate ng bomba sa New York City ay malinaw na “act of terrorism.”

 

TAGS: New York blast, New York blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.