4 nasawi sa pamamaril sa Maynila

By Kabie Aenlle September 19, 2016 - 04:24 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang apat na katao ang patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maynila na naganap ilang oras lang ang pagitan sa isa’t isa.

Ayon sa pulisya, tatlo sa mga ito ang nasawi sa drug buy-bust operation.

Tatlong lalaki ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis ganap na alas-11:45 ng umaga ng Linggo sa kanto ng Antipolo at Leonor Rivera streets sa Maynila.

Kinilala sila ng mga otoridad na sina JR Pamelar, Allan Salon at isang alyas “Dodong.”

Si Pamelar na isa umanong drug pusher ang target ng mga pulis Quiapo.

Narekober mula sa mga napatay ang hindi naitalang halaga ng pera, mga sachet ng shabu, tig-isang .45-caliber, .38-caliber at .357-caliber magnum na mga baril.

Samantala, patay naman sa pamamaril ng mga suspek na naka-motorsiklo ang isang kinilalang si Shi Hua Tan na isang Chinese sa Binondo.

Kasama ni Shi ang kaniyang kasintahan nang mangyari ang insidente, at sa kabutihang palad ay hindi naman ito nasaktan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa nasabing Chinese na biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.