Pulis, patay matapos masagasaan ng bus sa Makati

 

Patay ang isang pulis makaraang masagasaan ito ng isang pampasaherong bus habang nagmomotorsiklo sa Makati City kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Michael Jordan Tumbaga, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na dead on the spot matapos ang trahedya.

Sa imbestigasyon ng minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang southbound lane ng Magallanes flyover dakong alas 2:00 ng mdaling-araw nang mawalan ito ng control at tuluyang sumemplang.

Nang matumba,  minalas na maipit ito ng katabing Cher Bus na may plakang ABG-4606 na bumabaybay din sa naturang lugar.

May hinala ang mga imbestigador na posibleng nawalan ng kontrol ang pulis nang madaan ito sa isang ginagawang bahagi ng Magallanes bago ito nasagasaan ng bus.

Nasa kustodiya na rin ng Makati police ang driver ng bus na si Henry Rodroguez na nahaharap sakasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa insidente.

Read more...