Sekkingstad, todo-pasasalamat sa mga gumawa ng paraan para siya ay mapalaya

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Personal nang nakaharap ng pinalayang Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press conference sa Davao City, personal na binate ni Pangulong Duterte si Sekkingstad sa kanyang paglaya sa kamay ng Abu Sayyaf Group na bumihag sa kanya ng isang taon.

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte sina MNLF Chairman Nur Misuari at Peace Process adviser Jesus Dureza na siya aniyang gumawa ng hakbang para mapalaya ang Norwegian.

Sa kanyang panig, pinasalamatan rin ni Sekkingstad ang mga nagsumikap upang makaligtas siya sa kamay ng kanyang mga abductors.

Read more...