3 pinalayang Indonesian, inihatid na sa Zamboanga City

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Matapos ang isinagawang medical check up at debriefing inilipad na patungong Zamboanga City ang tatlong Indonesian National na pinalaya ng Abu Sayyaf Group.

Mula sa kampo ng Moro National Liberation Front sa Cagay, Indanan, Sulu idineretso sina Lorence Koten, Teo Doros Kofong at Emmanuel Arakian nina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Sulu Vice Governor Sakur Tan sa Sulu Airport at itinurn over kay Joint Task Force Sulu Commander, Brig. Gen. Arnel Dela Vega.

Nang makuha ng militar dinala ang tatlo sa headquarters ng JTF Sulu sa Camp Tedolfo Bautista sa Jolo, Sulu kung nasaan ang Camp Bautista Station Hospital.

Doon isinagawa ang medical check up sa tatlong dayuhang mangingisda at debriefing.

Sa pakikipag-usap ng mga taga Joint Task Force Sulu sinabi ng tatlo na halos hindi sila pinapakain ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ang tatlo ay pinalaya ala una ng madaling araw kanina ng ASG sa isang hindi binanggot na lugar saka ibinigay sa sa MNLF at doon naman sinundo nina Sec. Dureza.

Dinukot ang tatlo noong July 9, 2016 sa Lahad Datu, Sabbah, Malaysia.

Read more...