Pres. Duterte, humiling ng ‘6-months extension’ vs drugs at krimen

By Jay Dones September 19, 2016 - 04:29 AM

 

Courtesy: RTVM

Humihiling ng karagdagang anim na buwang ‘extension’ ang Pangulong Rodrigo Duterte para masugpo nang tuluyan ang iligal na droga sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kasabay ng kanilang pagkikita ng pinalayang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, sinabi ng pangulo na ngayon lamang niya napagtanto ang tindi ng problema sa droga ng bansa nang siya ay maupo bilang pangulo.

Inamin ni Pangulong Duterte na sadyang kapos ang anim na buwan na una na niyang ipinangako sa publiko upang tuluyang sugpuin ang droga at kriminalidad sa bansa.

“I can’t kill them all”, dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang sa kanyang kampnya bago ang eleksyon, naging pangako ni Duterte na susupilin ang droga at kriminalidad sa bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.