Gov’t. official, ididiin si De Lima sa house probe-Aguirre

 

Inquirer file photo

Bukod sa mga high profile inmates, sasalang din sa congressional hearing ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na magdidiin kay senador Leila De Lima sa koneksyon nito sa iligal na droga.

Sa isang panayam, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang nasabing government official ang magdidetalye kung paano idinideliver umano ang nasa limang milyong pisong drug money sa senador noong ito ay kalihim pa ng Justice department.

Si De Lima pa umano ang tumanggap ng naturang pera sa bahay nito sa Parañaque City kasama ang driver at diumano’y karelasyon nito na si Ronnie Dayan, batay umano sa witness.

Ang nasabing saksi na hindi muna pinangalanan ni Aguirre ay makakasama ng nasa 10 hanggang 12 high-profile inmates na haharap sa house investigation sa Martes.

Una nang sinabi ni Aguirre na kabilang sa mga nakatakdang magbigay ng kanilang testimonya sina Herbert ‘Ampang’ Colangco isang convicted robber at kidnap gang leader Noel Martinez, na kasapi ng Bilibid 19.

Read more...