Sugatan sa New York blast, umakyat na sa 29. Pagpapasabog, ‘intentional’

 
new york blastUmabot na sa dalawampu’t siyam na katao ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog na yumanig sa Chelsea area sa Manhattan, New York, Sabado ng gabi roon.

Kinumpirma ni New Yor City Fire Commissioner Daniel Nigro ang bilang ng mga sugatan kung saan ang dalawampu’t apat ay dinala sa iba’t ibang area hospitals.

Isa ang matinding nasugatan sa Chelsea blast habang ang iba’y nakapagtamo ng mga hiwa at mababaw na sugat mula sa mga nagkalat na debris at salamin.

Ayon kay New York Mayor Bill de Blasio, ‘intentional’ o sadya ang nangyaring pagsabog kung saan isang natural gas leak ang naging sanhi ng Chelsea blast.

Dagdag pa ng New York Mayor, wala pang natatanggap na terror threat ang nasabing lugar kung kaya’t malabong isang bandidong grupo ang utak ng nangyaring insidente.

Taliwas naman ang pahayag ng US Joint Terrorism Task Force, ang naatasang grupo upang imbestigahan ang Chelsea blast, na maaaring konektado ang pagsabog sa terror attack mula sa mga teroristang grupo.

Sa ngayon, nakakuha na rin ng impormasyon ang joint task force kaugnay sa New Jersey incident.

Sa ulat, pinaniniwalaan ng law enforcement sources na isang improvised explosive device ang ginamit sa nangyaring pagsabog.

Base sa impormasyon mula kay de Blasio, konektado sa Chelsea blast ang nangyaring pagsabog ng isang pipe bomb na nasa isang basurahan sa Seaside Park, New Jersey kung saan walang naitalang sugatan ayon sa mga imbestigador.

Read more...