Malakanyang, nanindigan sa pagpapairal ng no-ransom policy
Iginiit ng Malakanyang na pinairal ng pamahalaan ang ‘no-ransom policy’, kasunod ng kalayaan ng mga dayuhang binihag ng Abu Sayyaf Group o ASG.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naninindigan ang gobyerno sa no-ransom policy.
Sakali naman aniya na mayroong ransom money na ibinayad sa ASG, sinabi ni Andanar na maaaring nagmula ito sa ‘third party’ o pamilya ng bihag.
Pinakawalan na ng ASG ang Norweigan national na si Kjartan Sekkingstad, at napalaya na rin ang tatlong Indonesians ang binihag din ng bandidong grupo.
Batay sa mga lumabas na ulat, hindi bababa sa tatlumpung milyong piso ang ransom na ibinigay sa ASG para sa kalayaan ni Sekkingstad.
Ang Moro National Liberation Front o MNLF ang nakipag-negosasyon sa ASG upang mapalaya ang mga hostage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.