Sa isang statement, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nalulungkot ang Malakanyang sa New York explosion.
Ayon kay Andanar, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay mahigpit namang mino-monitor ng Philippine Consulate General sa New York ang sitwasyon sa lugar, lalo na sa Filipino community.
Ang New York ay isa sa mga lugar sa Estados Unidos kung saan libu-libo ang mga naninirahan o nagta-trabahong Pilipino.
MOST READ
LATEST STORIES