8 katao, sugatan sa stabbing attack sa Minnesota mall. Suspek, patay

minnesotaUmabot sa walong katao ang sugatan sa nangyaring stabbing attack sa Minnesota shopping mall sa Amerika.

Sa inilabas na impormasyon ni Saint Cloud Hospital Communications Specialist Chris Nelson, itinakbo sa nasabing ospital ang walong biktima kung saan pito ay kinumpirmang hindi nakapagtamo ng malalang sugat.

Ayon naman kay Police Sergeant Jason Burke, patay ang responsable sa nasabing insidente sa mismong shopping mall at hindi na nabanggit kung ano ang ikinamatay ng suspek.

Base sa mga ulat, mayroon ding nangyaring pamamaril kasabay ng stabbing attack.

Read more...