TINGNAN: 4 na napalayang bihag ng ASG, nai-turn over na sa pamahalaan

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nai-turn over na ngayong araw ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front o MNLF sa pamahalaan ang isang Norwegian National, maging ang tatlong Indonesians na pinalaya ng Abu Sayyaf Group o ASG.

Mismong si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang sumalubong kina Kjartan Sekkingstad at tatlong Indonesians sa Jolo, Sulu Airport.

Kuha ni Erwin Aguilon

Si Sekkingstad, na matatandang pinakawalan kahapon ng hapon (September 17), ay inaasahang makakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Samantala, ang tatlong Indonesians na pinalaya kaninang madaling araw ay sa Zamboanga City ang diretso.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ayon sa Sulu-based professor na si Octavio Dinampo, ang tatlong Indonesians ay nagngangalang Lorens Koten, Theodores Kopon, at isang Manuel.

Read more...