Belmonte, nahiya sa ginawa ng Makabayan Block

July 28, 2015 - 06:41 AM

20150727_183023
Kuha ni Alvin Barcelona

Nakakahiya ang ginawa ng ilang mambabatas.

Hiyang-hiya si House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr. sa ipinakitang asal ng ilang mambabatas kahapon matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Belmonte, nakadidismaya ang ginawa ng mga mambabatas na kasapi ng Makabayan block na nagtaas ng mga placards na may nakasulat na “palpak” at “manhid” at “mapang-aping asendero” matapos ang SONA ni PNoy. “I was very embarrassed. Because they are all my people,” ayon kay Belmonte.

Ang mga nagtaas ng placards pagkatapos ng SONA ng pangulo ay sina Act Teachers Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Carlos Zarate, Gabriela Rep. Luz Ilagan at Emmi De Jesus, Anakpawis Rep. Fernando Hicap at Kabataan Rep. Terry Ridon.

Sinabi ni Belmonte na marami din sa mga nasa gallery ang nagpakita ng pagkadismaya sa ginawa ng mga mambabatas. “I think the mere fact that they saw that everybody were virtually so embarrassed by them I think that’s enough,” dagdag pa ni Belmonte.

Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon, mas malakas naman ang palakpak ng suporta kay PNoy kaysa sa paghahayag ng protesta ng mga miyembro ng Makabayan bloc.

Sinabi naman ni Tinio na handa naman nilang harapin ang anumang reklamong isasampa sa kanila dahil sa kanilang ginawa.

Wala namang balak si Belmonte na kastiguhin ang mga naturang mga mambabatas./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: makabayan bloc congressmen, protest after PNoy's SONA, makabayan bloc congressmen, protest after PNoy's SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.