FB user na nagpost ng passport at litrato ni Maria Ozawa, hindi empleyado ng Bureau of Immigration

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Nilinaw ng Bureau of Immigration o B.I. na hindi nito empleyado ang isang Facebook user na nagpost ng pasaporte at litrato ng Japanese adult actress na si Maria Ozawa.

Ayon kay B.I. spokesperson Antonette Mangrobang, ang naturang FB user na may account name na Armee Camzon ay hindi nakalista sa roll of employees ng ahensya.

Hinala ni Mangrobang, maaaring ‘poseur’ si Camzon.

Tiniyak ni Mangrobang na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng B.I., pero batay sa impormasyon ay maaaring isang fixer o travel agent ang responsable sa walang otorisasyon na pagsasapubliko ng passpport at picture ni Ozawa.

Matatandaang umalma si Ozawa sa pagkaka-leak ng kanyang passport at photo ID kamakailan.

Ani Ozawa, mali at bastos ang nasabing FB user.

Sa ngayon, deactivated na ang account ni Armee Camzon.

Read more...