Norwegian na pinalaya ng ASG, ituturn-over na ng MNLF sa pamahalaan

sekkingstadNakatakdang i-turn over ngayong araw ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front o MNLF sa pamahalaan ang Norweigan National na pinalaya ng Abu Sayyaf Group sa kabundukan ng Sulu.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, bago mag-tanghali ngayon ay ibibigay sa kanila si Kjartan Sekkingstand sa Sulu Airport.

Ito aniya ay gagawin sa harap ni Sulu Governor AbdulSakur Tan III at Vice Governor Sakur Tan.

Ang pinalayang Norweigan national ay bigong maibaba mula sa kuta ng MNLF sa Brgy. Cagay, Indanan, Sulu kagabi dahil sa masamang lagay ng panahon sa kabundukan.

Si Sekkingstand ay matatandang pinakawalan kahapon ng hapon (September 17).

Ayon naman kay Western Mindanao Command Spokesperson Maj. Filemon Tan, ang pagpapalaya sa dayuhan ay dahil na rin sa mas pinaigting na opensiba ng militar kontra sa Abu Sayyaf.

Si Sekkingstand, kasama ang dalawang Canadians na sina Robert Hall at John Ridsdel at Pilipinang si Marites Flor ay magugunitang dinukot ng mga miyembro ng ASG sa Samal Island noong September 21, 2015.

Read more...