Edgar Matobato muling haharap sa Senado sa Martes

By Den Macaranas September 17, 2016 - 04:45 PM

Edgar Matobato2Dapat hayaan ng Senado na ipagpatuloy ni Edgar Matobato ang kanyang testimonya kaugnay sa Davao Death Squad (DDS).

Ito ang pananaw ni Sen. Franklin Drilon makaraang sabihin ni Senate President Koko Pimentel na nasayang lamang ang panahon ng Senado sa mga naging pahayag ng naturang testigo.

Sinabi ni Drilon na importanteng marinig ang mga sasabihin ni Matobato na nauna nang nagsabi na dati siyang miyembro ng DDA.

Hindi naman daw nangangahulugan na dapat kaagad na tanggapin ang kanyang mga testimonya pero importante na marinig ang mga detalye na kanyang inihahayag.

Aminado ang mambabatas na may mga kalituhan sa mga impormasyon na ibinahagi ni Matobato pero hindi naman daw marapat na tuluyang sabihin na basura ang kabuuan ng kanyang testimonya.

Sa Martes, Setyembre 20 ay itutuloy ng Senate Justice Committee na pinamumunuan ni Sen. Leila de Lima ang imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings kaugnay sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Sasabayan naman ito ng imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pagkakasangkot ng ilang mga personalidad sa sindikato nfg droga sa bansa.

Nauna nang isinangkot ang pangalan ni de Lima sa nasabing kontrobersiya.

TAGS: de lima, Drilon, edgar matobato, senate, de lima, Drilon, edgar matobato, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.