Serye ng pambobomba sa iba’t ibang mga lugar ibinabala ni Duterte

By Den Macaranas September 17, 2016 - 04:19 PM

Davao blast5
Inquirer file photo

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tauhan ng militar na pag-aralan ang profile ng mga terorista sa bansa.

Kasunod ito ng kanyang babala na masusundan pa ang naganap na pagpapasabog sa Davao City kamakailan na posibleng maganap sa iba’t ibang mga lugar.

Ipinaliwanag ng pangulo na hindi makukuntento ang Abu Sayyaf Group sa kanilang ginawang pagpapasabog sa Davao City.

Sa pagharap niya sa mga sundalo ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Cauayan Isabela, sinabi ni Duterte na hindi na lamang giyera ang dapat tutukan ng mga sundalo kundi maging ang intelligence works.

Tiniyak naman ng pangulo na ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines mula sa mga baril hanggang sa mga kagamitan sa mga opistal.

Kinumpirma rin ni Duterte may nagbigay sa kanya ng P1 Billion na gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan para sa mga pampublikong mga ospital.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, duterte, Abu Sayyaf, AFP, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.