Higit sa isang milyong bahay sa bansa nabisita na ng Oplan Tokhang ng PNP

By Den Macaranas September 17, 2016 - 11:56 AM

Tokhang Alabang
Inquirer file photo

Simula noong July 1 o unang araw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa araw na ito ay umabot na sa 1,029,328 kabahayan ang nabisita ng Philippine National Police kaugnay sa Oplan Tokhang.

Sa ulat ng PNP, umabot na sa 1,138 ang napatay sa pagpapatupad ng anti-illegal drugs operation ng pamahalaan.

Ipinakita rin ng PNP sa kanilang record na umabot na sa 17,319 drug personalities ang kanilang nahuli mula sa kabuuang 18,832 anti-drugs operations.

Sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa na hindi pa sila tapos sa kanilang kampanya kontra droga at ito ay magpapatuloy pa rin.

Mula noong July 1 hanggang kaninang umaga ay umabot na sa kabuuang 714,217 ang bilang ng mga surrenderers.

Sa nasabing bilang, 661,200 sa mga ito ang drug users samantalang 53,017 naman ang mga users.

Muli namang tiniyak ng PNP na tuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings kasama na dito ang pagpatay na ginagawa ng ilang vigilante groups.

TAGS: dela rosa, duterte, oplang tokhang, PNP, dela rosa, duterte, oplang tokhang, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.