Sumiklab ang kaguluhan sa kahabaan ng Commonwealth makaraang tangkain ng mga miyembro ng iba’t-ibang militanteng grupo na makalusot sa hanay ng mga barikadang iniharang sa PNP sa naturang lugar.
Biglang sumugod at pilit na itinulak ng mga militante ang nakahilerang mga 40-footer container na ipinwesto sa center island ng Commonwealth Ave., malapit sa Ever Gotesco mall at tinangkang makalusot sa mga barikada.
Gayunman, pinigilan sila ng mga pulis at mga kagawad ng pamatay sunog na agad na nagpakawala ng tubig mula sa mga firetruck.
Dahil dito, pinaulanan ng mga bato ng mga militante ang mga pulis at bumbero.
Maging ang mga portalet na inihanay sa Commonwwealth Ave., ay ginamit din ng mga militanteng grupo at inihagis sa mga nakaharang na PNP Personnel.
Sa inisyal na report, may tatlong pulis ang iniulat na nasaktan samantalang may ilan din sa hanay ng militante ang isinugod sa ospital. – Jay Dones with reports from Erwin Aguilon, Jong Manlapaz, Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.