Plano laban sa Duterte administration di magtatagumpay ayon kay Robredo

September 17, 2016 - 08:44 AM

Leni-Robredo2Anumang pagtatangka para pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi magtatagumpay.

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na kahit siya ay hindi sang-ayon sa pagpapalit ng liderato ng pamahalaan sa puntong ito.

Muli ring nilinaw ng opisyal na maganada ang kanyang working relations sa pangulo at naniniwala siyang hindi ito maniniwala na kasama ang pangalawang pangulo sa mga posibleng mag-plano para pabagsakin ang kanyang pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Duterte na mga miyembro ng Liberal Party ang nasa likod ng mga paninira sa kanya.

Kaagad naman itong sinalungat ng mga kapartido ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagsasabing suportado nila ang kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Robredo, siya mismo ang magsasabi sa pangulo kapag meron siyang nasagap na mga impormasyon hingil sa mga magtatangka sa kasalukuyang pamahalaan.

TAGS: Aquino, liberal party, Robredo, Aquino, liberal party, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.