Duterte aminado na bilib sa mga sundalo para mamuno sa gobyerno

September 17, 2016 - 08:41 AM

duterte
Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang kanyang respeto at tiwala sa mga military men kaya kinuha niya ang ilan sa mga ito sa kanyang gabinete.

Kumapara sa mga sibilyan, sinabi ng pangulo na mas mahusay dumiskarte at masipag ang mga sundalo at mga pulis.

Ito ang reakyon ni Duterte sa kanyang paghirang kina dating Marine Maj. Gen. Alexander Balutan bilang bagong pangulo ng Philippince Charity Sweepstakes Office (PCSO) at dating C/Supt. Jose Jorge Corpuz na siya namang bagong talagang Chairman ng ahensya.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na dapat ay mga “killer” ang mamahala sa PCSO na ayon sa kanya ay isa sa pinaka-kurap na tanggapan sa gobyerno.

Inatasan din ng pangulo ang dalawang opisyal na kaagad na linisin ang PCSO at gawing mabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na umaasa ng tulong sa naturang ahensya ng pamahalaan.

TAGS: balutan, corpuz, duterte, military, pcso, balutan, corpuz, duterte, military, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.