Bagyong Gener, inaasahang lalabas na ng PAR mamayang gabi

Napanatili ng bagyong Gener ang lakas at direksyong tinatahak nito.

Base sa 10 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 240 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugso na 195 kilometers per hour.

Inaasahang magpapatuloy ang pagkilos nito patungo sa direksyong north northwest sa bilis na 20 kilometer per hour.

Nanatiling nakataas ang public storm warning signal no. 1 sa Batanes Group of Islands.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop sa 450 kilometer diameter ng bagyo.

Inaasahang nasa 635 kilometers sa north ng Basco, Batanes at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

Read more...