Malakanyang, hindi nabahala sa mga pasabog ni Matobato

Martin-Andanar-file-0711Ipinagkibit balikat lamang ng Palasyo ng Malakayang ang mga pasabog kahapon sa Senado ni Edgar Matobato, ang umano’y dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) at nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extra judicial killings o EJK.

Paliwanag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matagal nang nagsalita ang Commission on Human Rights ukol sa DDS.

Iginiit pa ni Andanar, nagsagawa na ng pagsisiyasat noon ang CHR sa DDS at wala itong nakitang ebidensya na mag-uugnay kay Pangulong Duterte.

Katunayan ayon kay Andanar, walang naisampang kaso ang CHR laban kay Duterte dahil sa EJK.

Kahapon, iniharap ni Sen. Leila de Lima si Matobato sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa EJK.

Read more...