5 pinoy arestado makaraang magnakaw ng diamond necklace sa isang jewelry shop sa Thailand

By Mariel Cruz September 16, 2016 - 03:38 PM

handcuffsHinarang at inaresto ang limang Filipino bago pa man makasakay ng eroplano sa Don Mueang airport sa Thailand.

Ito ay matapos matagpuan sa kanilang bagahe ang isang nakaw na diamond necklace.

Nakilala ang mga naarestong pinoy na sina Ebueza Christian Carpio, 27 years old, Canoy Adoration Carpio, 58 years old, Bien Nonoy Mulobuko, 27 years old, Chapoco Florenz Velarde, 65 years old at Mallari Sofia, 56 years old.

Batay sa ulat na inilabas sa Bangkok Post, pinaniniwalaang nagtulong tulong ang limang pinoy para manakaw ang kwintas na nagkakahalaga ng 300,000 Baht o katumbas ng 400,000 pesos sa Bangkok Gems and Jewellery Fair sa Muang Thong Thani, Nonthaburi.

Nabatid na agad itinawag ng may-ari ng ng jewelry shop na si Poramin Thaharian sa pulisya nang mapansin nito na nawawala na ang naturang kwintas.

Nakita sa CCTV footage na kinuha ng dalawa sa limang suspek ang diamond necklace habang hindi nakatingin ang nagbabantay sa jewelry shop.

Dumating sa Thailand ang limang pinoy noong September 5 at nakatakda sanang bumiyahe pabalik ng Pilipinas noong Lunes, September 12.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.