CBCP, bubuo ng ministry na tatalakay sa isyu ng same sex attraction

cbcp-selective-justiceBubuo ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ng ministry sa bawat diocese nito na tatalakay sa isyu ng same-sex attraction.

Ipapaliwanag sa mga nasasakupang diocese ang kahalagahan ng pag-aasawa sa pagitan ng babae at lalaki at hindi sa pagitan ng parehong kasarian.

Ipinahayag ito ni Daet Bishop Glibert Garcera, CBCP Epsicopal Commission on Family and Life Chair sa isang symposium tungkol sa same-sex attraction sa Paco, Manila.

Ayon kay Garcera, layunin nitong gabayan ang mga taong may same-sex attraction.

Ibinahagi rin ni Garcera na pangaral ni Pope Francis na dapat irespeto ang mga taong naaakit sa same sex at hindi dapat kundenahin.

Dagdag ng obispo, hindi ito sakit kundi nangangailangan lamang ng kasama ang mga ito.

Mahalaga rin ani Garcera na may tugon ang simbahan sa nasabing isyu.

Read more...