Isang milyong Samsung Galaxy Note smartphone, pinapa-recall ng US

Samsung Galaxy note 7Pinapa-recall ng US Consumer Product Safety Commission ang nasa isang milyong Samsung Galaxy Note smartphones dahil sa mga insidente ng pagsabog ng mga battery nito.

Isinapormal ng hakbang ng US Safety Agency ang recall sa sampung bansa kasunod ng mga report ng faulty batteries na dahilan ng pagsabog ng ilang handsets habang nasa gitna ng charging.

Samantala, inanunsyo ng Samsung ang replacement sa mga depektibong phones at ang mga ito ay magiging available sa kanilang customers sa Amerika sa susunod na linggo.

Sa US ay may siyamnapu’t dalawang ulat ng nag-overheat na batteries ng Samsung Galaxy Note smartphones kabilang ang dalawampu’t anim na reports ng pagkasunog at limampu’t limang kaso ng pagkasira ng unit.

May reklamo rin ng pagkasunog ng mga sasakyan at isang garahe dahil sa depekto sa battery ng naturang smartphone.

Read more...