4 domestic flights, kanselado na dahil sa sama ng panahon

By Mariel Cruz September 16, 2016 - 10:43 AM

NAIA1Kanselado ang apat na domestic flights ngayong araw ng Biyernes dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Gener.

Sa abiso ng Manila International Aiport Authority, ang mga cancelled flights ay mula sa Sky Jet at AirSwift.

Ito ay ang mga sumusunod:

Sky Jet

M8 816: Manila-Basco
M8 817: Basco-Manila

AirSwift
T6 8379: Manila-Basco
T6 8380: Basco-Manila

Una nang sinabi ng PAGASA na bahagyang lumakas ng bagyong Gener habang tinatahak ang direksyong northwest.

Huling namataan ang naturang bagyo sa 405 kilometers east ng Calayan, Cagayan.

Bukas ng tanghali ay inaasahang lalabas na ang bagyong Gener sa Philippine Area of Responsibility.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.